The Daydreamer Studios » Wedding Photography

Masthead header

Sa mahabang panahon ang puso ko’y nahimbing mula sa pag-ibig mong naglaho sa dilim
Inakalang ang katapusan ay akin ng narating ng may isang bulong na sa aki’y humalinghing
Pintig ng puso ko’y nag iba yun pala’y isang pahiwatig na may pag asa pa
Sa palad ng mapaglarong tadhana ikaw ay nagbalik
Di inakalang ang araw na ito ay sasapit
Ngayon tayo’y magiging isa, para bang langit ay narating ko na
Kay liwanag ng iyong mukha, parang isang anghel na bumaba sa lupa
Kay buti parin ng tadhana, sa kabila ng pagbubuhol ng ating mga landas, pagmamahal ang syang nangibabaw
Mula noon hanggang ngayon, pag ibig ko sayo’y pinagtibay ng panahon
Bakit nga ba kailangan nating iwan ang pinakaiisa nating mahal,
Kung siya’y nahanap mo na.


Photographer: The Daydreamer Studios
Videographer: Paradox Films
HMUA: Jomah Chu
Styling: Jingx Cruz Styling
Words by: Kairra Macaso